Ang aking pamilya
ni: Julie Ann F. Rosario
1
Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.
2
Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.
3
Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.
4
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila naman ay mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.
5
Salamat sa inyo, aking ama’t ina.
Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
Its very nice poem
nice i like it!!!!
walang Sukat -_-
Okay. Sorry po ah. Ang perfect po kasi ng iyo
Sobrang ganda ng tựla,nkakatouch
Eww hindi naman nagkakatugmaan
Meron naman po kasing tula na malaya at walang sukat. Pasensya na at yan kasi ang pinagawa ng teacher namin. Ang pinagawa lang samin magkatugma sa huli kahit walang sukat. Sige nga gawa ka nga ng tulang may sukat at magkatugma.
may tula naman kase talagang ganun
Sige nga gumawa ka nga
dont judge☝
ang ganda po ng inyong ginawang tula nakakainspire po sna po mkagawa pa po kio mg maraming tula na magaganda:):):):)
its ok naman kasi nakatulong sya sa project ko
Hellow po maganda po ung Tula nyo pwede po ba kayo gumawa ulit? Kailangan kasi namin sa Filipino
Ang ganda ng Tula grabe
aanhin mo ang maganda at may sukat kung salaht naman ng salita ay gawa lang at hindi nangaling sa puso… simple pero may hugot.. tulad ng tulang ito.. madaling makakauna ang tao..
Ang Ganda po niya
Napakaganda impressive pasok tlga sa puso ko
hahahaha nag copy po ako
Ang ganda .
Bakit po walng tamang sukat?
Malayang tula po kasi pinagawa samin kaya pasensya na kung walang sukat.
ang ganda po talaga ng tula nka relate po ako
Ganyan din pinapagawa sa amin, isang malayang tula. Na appreciate ko ung gawa mo.However sna maintindihan ng ibang mababasa na ang MALAYANG TULA ay walang sukat at hindi magkakatugma…
Galing niyo po
may mga tula din po kasi na walang sukat, na tinatawag na “Malayang Tula”
I love your poem, It graded me 94 , thanks
Ang galing niyo po mag tula ng malaya ate hehehe
Ang ganda ng poem, nainspire po ako sa inyo. Gusto ko din po gumawa ng poem or maybe story na din kasi may ipinapakitang kwento yung story niyo. In short, I really love it! In 5th grade na din po kasi ako kaya po pinag-aaralan po namin to🙌🏻🤗👩🏼💻 Best Poem Ever👸🏼📒🖊
Ang Ganda po
julaliley ang galing mo….